-- Advertisements --

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot implementation o dry run ng face-to-face classes sa piling mga paaralan sa mga lugar na mababa ang banta ng COVID-19 sa buong buwan ng Enero 2021.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nagbigay din ng pagsang-ayon rito ang Gabinete ng Pangulong Duterte.

Makikipag-ugnayan din daw ang DepEd sa COVID-19 National Task Force (NTF) para sa monitoring ng pagsasagawa ng pilot implementation.

“The pilot shall be done under strict health and safety measures, and where there is commitment for shared responsibility among DepEd, local government units and parents,” saad ni Roque.

Binigyang-diin din ng kalihim na hindi sapilitan ang face-to-face classes sa mga paaralan kung saan ito papayagan dahil magiging boluntaryo lamang ang paglahok dito ng mga mag-aaral at mga magulang.

“Having said this, a parent’s permit needs to be submitted for the student to participate in face-to-face classes,” ani Roque.