Nais ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na isama sa magiging rekomendasyon ng House Quad Committee ang pagsasampa ng kasong murder laban kina retired police colonel at former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma at National Police Commission Commissioner retired police colonel Edilberto Leonardo.
Ito ay makaraang ituro ng mga testigo sina Garma at Leonardo na nasa likod ng pagpaslang kay dating PCSO board secretary wesley barayuga noong July 30, 2020.
Kinatigan naman ito ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na siyang overall chairman ng Quad Comm.
Sinabi ni Pimentel na malinaw na si Garma ang nasa likod ng mga pagpatay na nangyari sa ilalim ng war on drugs
Kabilang na rito ang pagpatay sa tatlong chinese drug lords na nakapiit sa davao prison noong 2016
Habang nasa 198 naman ang sinasabing pinatay sa Cebu nang maging hepe doon si Garma.