Tiniyak ni Philippine Public Safety College (PPSC) President retired Gen. Ricardo De Leon na bago magtapos ang buwan ng Oktubre kanila ng ilalabas ang hatol laban sa mga kadeteng nag-utos na gumawa ng kahalayan sa dalawang plebo ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Sinabi ni De Leon na binigyan ng pitong araw ang Fact Finding Committee para gumawa ng rekumendasyon ukol sa insidente.
Una rito binanggit ni De Leon na anak ng isang active police general ang isa sa tatlong kadete na nag-utos na gumagawa ng kahalayan habang ang ama ng isa sa dalawang biktima ay isang mataas na opisyal sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Tumanggi naman si De Leon pangalanan ang nasabing heneral.
Si C/Supt. Ramon Rafael ng National Police Training Institute ang nagunguna sa five-man team sa nag-iimbestiga sa insidente.
Nilinaw naman ni De Leon na hindi kultura sa loob ng academy ang nasabing pasura at kanila itong itinuring na isolated case lamang ang insidente.
Kapag napatunayang may pananagutan ang tatlong senior cadets na nag utos na gumawa ng kahalayan ay posibleng matanggal ang mga ito sa academy.
Una ng sinabi ng PNPA na sasampahan ng kasong administratibo ang mga sangkot na senior cadets habang ang dalawang biktima ay magsasampa ng kasong criminal.