-- Advertisements --

Ibinalik na ng apat na Arab states ang kanilang diplomatic relations sa Qatar.

Ayon kay Prince Faisal bin Farhad, ang Saudi foreign minister, na nagkasundo ang mga bansang Bahrain, Saudi Arabia, United Arab Emirates at Egypt na makipagkasundo na sa Qatar.

Isinagawa ang nasabing anunsiyo sa Gulf Co-operation Council.

Magugunitang pinutol ng nasabing mga bansa ang relasyon sa Qatar noong 2017 dahil inakusahan umano nila ito na sumusuporta sa terorismo.

Naging susi aniya sa pag-aayos ng mga bansa ang Kuwait at US.