Nilagdaan ng Department of Agriculture (DA) ang Minutes of the Meeting to Amend the Records of Discussion para sa technical cooperation project sa Japan International Cooperation Agency (JICA).
Pinirmahan ng magkabilang partido ang binagong proyekto, partikular para sa Market Driven Enhancement of the Vegetable Value Chain in the Philippines (MVC2), na sinimulan noong 2022.
Sa pagpupulong, sinabi ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban na ang hakbang ay naglalayong mapabuti ang kasalukuyang logistik sa agricultural value chain ng bansa.
Sa pagtaas ng mga presyo ng pagkain at kawalan ng food supply chain dahil sa mataas na halaga ng logistik at pamamahagi ng pagkain, kailangan nating maghanap ng mga paraan kung saan maaari nating mapababa ang mga gastos sa produksyon, maghatid ng mga kalakal sa mga pamilihan, at gawin itong mas abot-kaya.
Gayundin, umaasa si Japan International Cooperation Agency (JICA) Chief Representative to the Philippines Sakamoto Takema na ang proyekto ay makakatulong sa mga mamimili at mapabuti ang “buhay ng mga Pilipinong magsasaka.”