Pinalakas at ini-angat sa strategic partnership ang relasyon ng Pilipinas at South Korea.
Ito ay kasunod ng state visit sa bansa ni South Korean President Yoon Suk Yeol, para makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa bilateral meeting sa Malakanyang, inihayag ng Pangulo na sa patuloy na paglawak ng relasyon ng dalawang bansa, nananatiling masigla ang kanilang kooperasyon sa depensa, seguridad, maritime cooperation, kalakalan, at people-to-people exchanges.
Sinabi pa ni Pang. Marcos na sa harap ng mas komplikadong geopolitical environment, kailangang magtulungan upang makamit ang kasaganahan at maitaguyod ang rules-based order alinsunod sa international law.
Umaasa naman ang South Korean Leader na ang kanyang pag-bisita ay magsisilbing oportunidad upang mapaigting pa ang kooperasyon sa kalakalan, ekonomiya, at gayundin sa seguridad, digital technology, at enerhiya.
“Our decades of cordial relations have developed into a comprehensive partnership that spans political, defense, economic, socio-cultural, maritime and many other fields, across various levels of engagement, and today, I am pleased to announce that the Philippines and the Republic of Korea have formally elevated our relations to a strategic partnership, adding further impetus to the strengthening and deepening of our cooperation in an increasingly complex geopolitical and economic environment,” pahayag ni Pang. Marcos.