Natukoy ng ilang mambabatas ng malapit na relasyon ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mariing pagtanggi nito na hindi siya pinagkakatiwalaang kaalyado ng dating Chief Executive.
Nauna nang inakusahan si Garma na direktang nag-orkestra sa pagpatay sa tatlong hinihinalang Chinese drug lords sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) na nagngangalang Chu Kin Tung, alyas Tony Lim; Li Lan Yan, alyas Jackson Li; at Wong Meng Pin, alyas Wang Ming Ping noong 2016.
Sa pagdinig ng Quad Committee ngayong araw nagsalitan sina Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrix” Luistro, Taguig Rep. Amparo Maria “Pammy” Zamora, Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, at Antipolo Rep. Romeo Acop sa pagtatanong kay Garma tungkol sa kanyang karera bilang isang opisyal ng PNP at kalaunan bilang general manager ng PCSO.
Tinanong ni Luistro si Garma tungkol sa kanyang background, mga tanong tungkol sa kanyang pag-aaral at kanyang serbisyo sa PNP, kabilang ang kanyang panunungkulan bilang pinuno ng PNP Women’s Desk sa Davao City, sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at bilang police chief ng Cebu City noong panahon ng war on drugs ng Duterte administration.
Tinanong naman ni Rep. Acop kung paano nagawang mag retire ni Garma gayong sa loob ng 10 taon ay maganda ang kaniyang karera sa PNP.