-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naghiyawan ang mga guro mula sa limang mga rehiyon ng Mindanao na dumalo sa culmination program ng National Teacher’s Day 2023 na isinagawa sa Butuan City, matapos ibalik-tanaw ni Department of Education Secretary at Vice President Sara Duterte Carpio ang love story ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Agusan del Norte Governor Ma. Angelica Rosedell Amante.

Sa kanyang pagharap sa mga guro, ibinunyag ni VP Sara na ang hindi mapigilang pagka-babaero ng kanyang ama ang dahilan na tinapos na umano ng gobernadora ang kanilang relasyon.

Saksi umano siya kung gaano katakot ang kanyang ama kay Governor Amante na kahit siya ay idinadamay pa sa mga kalokohan ito.

Sa mga naging gobya umano ng kanyang ama, tanging kay Governor Amante lang umano niya nakita kung gaano katakot ang dating pangulo na kanyang nasaksihan noong siya ay estudyante pa ng Manila.