LAOAG CITY – Ibinulgar ni Mayor Remigio Medrano sa bayan ng Sarrat na wala umano ang relic ni Niña Ruiz-Abad sa Sta. Monica Church mula sa Bishop’s Palace taliwas sa naging pahayag ng Diocese of Laoag.
Ayon kay Mayor Medrano, kulang ang mga kinakailangang dokumento at hindi pa umano ipinaalam ng Simbahan sa kanya bilang alkalde ang paglalagay umano ng relic ni Niña Ruiz-Abad sa naturang simbahan.
Aniya, bumisita sa kanyang tanggapan ang mga miyembro ng Diocese of Laoag at ang pamilya Abad para pag-usapan ang paglipat ng relic nito sa simbahan.
Ganunpaman, hindi niya ito pinayagan matapos nitong matuklasan na kulang ang mga kinakailangang dokumento.
Naniniwala ang alkalde na dinala ang relic ni Abad sa sementeryo na matatagpuan sa Brgy. Mangato sa dito sa lungsod ng Laoag at hindi sa Sta. Monica Church.
Naniniwala ito na malinaw umano na dinadaya lamang ng Simbahan ang lokal na pamahalaan at ang mga tao.
Inihayag nito na kinikilala niya ang paghihiwalay ng pamahalaan at simbahan ngunit sa pagpapatupad ng paniniwala ng simbaan ay dapat parin aniyang nasa gabay parin ito ng gobyerno.
Maalala na matapos simulan ng Diocese ang proseso para sa posibleng pagiging Santo ni Niña ay inilipat nila ang relic sa Sta. Monica Church.
Samantala, sa ngayon ay wala pang inilalabas na statement o kometo ang Diocese of Laoag ukol sa naging pahayag ng al