-- Advertisements --
Pinasok ng kawatan ang simbahan sa Spoleto, Italy at ninakaw ang relic ni dating Pope John Paul II.
Ayon sa Vatican, isang vial na naglalaman ng ilang patak ng dugo ni St. John Paul II ang ninakaw sa simbahan ng Umbria sa central Italy.
Sinabi naman ni Spotelo Archbishop Renato Boccardo na hindi sana pagkakitaan ng kawatan ang nasabing relic.
Taong 2016 ng ibinigay sa simbahan ang relic ni Cardinal Stanislaw Dziwisz ang archbishop ng Krakow ang matagal na aide ni Pope John Paul.
Magugunitang noong 2005 ng pumanaw si Pope John Paul II at ilang taon ay idineklara itong santo.