-- Advertisements --

Umaabot na sa P3.9 million ang halaga ng relief assistance na naibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Ulysses.

Sinabi ni DSWD Usec. Glen Paje, puspusan na ang kanilang pagpapaabot ng tulong sa mga apektadong lugar.

Ayon kay Usec. Paje, sa Quezon City ay nasa 1,000 na family food packs at 250 sleeping bags na ang kanilang naipamahagi.

Nasa 1,400 family food packs naman para sa Marikina at 2,000 sa San Mateo, Rizal.

Mahigit 3,000 sa Legaspi at 1,700 naman sa Camarines Norte.

Mayroon rin umanong 2,000 family food packs ang naka-stock sa kanilang warehouse ang nai-forward na ng tanggapan at hanggang sa Urdaneta ay nakapagpadala na rin ng ayuda.

Tiniyak naman ni Usec. Paje na mayroong sapat na stock ang DSWD para tugunan ang pangangailangan ng iba’t ibang LGUs.