-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Magsisimula na ngayong araw (April 22) ang relief distribution ng Provincial Government ng Cotabato na pangungunahan mismo ni Governor Nancy Catamco.

Pangunahing tatanggap ng relief packs na naglalaman ng bigas at iba’t ibang klase ng mga preskong gulay sa mga Persons with Dissability o PWDs sa buong lalawigan.

Unang pupuntahan ng grupo ng gobernadora ang mga bayan ng Arakan, Antipas, at Pres. Roxas.

Habang sa April 24 naman ay ang mga bayan ng Banisilan, Alamada, Pigcawayan, at Aleosan at sa Sabado, April 25 ay ang mga PWDs naman ng mga bayan ng Matalam at Tulunan ang tatanggap.

Samantala, tuloy tuloy naman ang buhos ng mga donasyon bilang tulong sa mga frontliners ng lalawigan mula sa mga pribadong kumpanya.

Ang Delinanas Development Corporation ay naghatid sa Provincial Government ng 40 kahon na saging para sa mga COVID-19 frontliners.

Masayang tinanggap ito ni Governor Catamco kasabay ng pasasalamat sa pagtugon sa kanyang panawagan na magkaisa at magtulongan sa pagharap sa krisis na dala ng COVID 19.