-- Advertisements --
Nakatuon ang isinasagawang relief efforts ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga rehiyon ng Bicol at Davao na matinding naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa pananalasa ng nagdaang bagyong Amang.
Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez, ang pinakamatinding naapektuhang mga lugar sa nabanggit na mga rehiyon ay ang Sta. Cruz at Magsaysay sa Davao del Sur kung saan 14 na kabahayan ang napaulat na napinsala.
Nasa kabuuang 2,196 katao o 521 pamilya ang apektado ng pananalasa ng nagdaang bagyo sa Bicol at Davao regions.
Karamihan sa mga inilikas ay kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation centers.