-- Advertisements --

Maging ang pamunuan ng Land Transportation Office ay maghahatid na rin ng tulong sa Bicol Region para sa mga biktima ng bagyong Kristine.

Partikular na ihahatid ng naturang ahensya ay mga relief goods para sa mga residenteng sinalanta ng bagyo at hanggang ngayong ay hirap na makabangon.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, kabilang sa kanilang ihahatid ay mga sako-sakong bigas, mga hygiene kits at mga basic necessities para sa mga pamilya sa rehiyon.

Kinilala naman ni Mendoza ang kanilang mga personnel na tumulong sa mga lokal na residente sa kasagsagan ng bagyo

Nagkusa na rin ang ilang personnel ng ahensya sa Bicol sa pag repack at pag distribute ng mga relief para sa mga residente.

Ginawa namang repacking center ang LTO Pamplona District Office.

Tumulong rin ang kanilang mga tauhan sa nagpapatuloy na rescue operation para sa mga na trap na residente.