-- Advertisements --

Maaari pa ring ipagpatuloy ang relief operation sa mga residente ng Albay na naapektuhan sa pag-alburuto ng Bulkang Mayon.

Ito ay sa likod ng election spending ban, na muling ipapatupad ng COMELEC, dahil sa nalalapit na Brgy at Sangguniang Kabataan Elections.

Ang nasabing spending ban ay magsisimula Agusto-28 hanggang Oktubre-29 ng kasalukuyang taon.

Ayon kay COMELEC Chair, hindi na kailangan ng exemption kung ang isinasagawang relief operation ay para sa humanitarian response.

Maliban dito, hindi naman pondo ng brgy ang gagamitin sa mga nasabing operasyon.

Ang pagtulong sa mga ito aniya ay upang matiyak ang maayos na kalagayan ng mga evacuees.

Ang nasabing pahayag ay bilang kasagutan ng COMELEC sa naunang kahilingan ni Albay 2nd District Cong. Joey Salceda na ma-exempt ang Mayon Relief operations mula sa spending ban.