-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Patuloy ang paghahatid ng ayuda ng Palimbang LGU sa lalawigan ng Sultan Kudarat sa mga apektadong residente na pininsala ng malakas na hangin noong nakaraang linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Palimbang Mayor Joenemi Kapina, batay sa inilabas na damage assessment report, napinsala ng natumbang mga puno dulot ng kalamidad ang mga bahay sa bahagi ng Brgy. Libua at Brgy. San Roque, habang nadaganan rin ng punongkahoy ang bubong ng isang paaralan sa Brgy. Milbuk.

Ngunit inihayag nitong hindi naman ganoon kalaki ang idinulot na pinsala ng malakas na hangin.

Samantala, unti-unti nang bumabangon ang mga pamilyang naapektuhan dati ng malawakang pagbaha noong nakaraang buwan kung saan inaasahang sa Nobyembre 30 ay tuluyan nang makakabangon ang mga residente dahil sa tulong ng local at national government.