-- Advertisements --

DAVAO CITY – Temporaryo muna na itinigil ng Jose Abad Santos LGU sa Davao Occidental ang pagsasagawa ng mga religious activity at iba pang mga mass gatherings dahil sa nararanasan na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa nasabing probinsiya.

Nanawagan ngayon si JAS Mayor Jason John Joyce sa kanyang mga constituent na gagawin lamang muna sa kanilang mga bahay ang worship activities dahil isasarado muna ang mga simbahan at moske sa kanilang lungsod.

Maliban dito, ipinatupad din ngayon sa lalawigan ang boundary lockdown bawat linggo, kung saan wala papayagan na makalabas at makapasol sa kanilang lungsod.

Ginawa ang nasabing hakbang bilang pagsuporta sa mga katabing lungsod sa Santa Maria at Malita na parehong nagpatupad ng No Sunday Movement sa kanilang lugar.

Sinasabing essential travel lang ang papayagan bawat weekdays at pinagbabawalan ang mga menor de edad at mga matatanda.

Kung may papasok sa JAS na mula sa labas ng Davao region o mula sa mula sa mga LGU na mataas ang mga kaso ng COVID-19, kailangan na magpakita ito ng negative RT-PCR test result.

Kung walang mapakitang swab result, isasailalim ang mga ito sa 14 day na quarantine.