-- Advertisements --

Iginiit ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na tuloy pa rin umano ang pagsasagawa ng mga religious festivals sa bansa sa kanila ng ipinapatupad na quarantine protocols sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP permanent committee on public affairs, hindi naman daw kasi dinudumog ang ganitong mga aktibidad gaya ng prusisyon, hindi gaya sa Mahal na Araw.

Sinabi pa ng opisyal na nakadepende na raw sa mga kura paroko ang mga panuntunan sa pagsasagawa ng ganitong mga pagdiriwang.

Batay sa protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force, ipinagbabawal ang mga maramihang pagtitipon sa mga lugar na nasa GCQ at modified enhanced community quarantine (MECQ).

Kamakailan din nang nag-isyu ang CBCP ng guidelines para sa liturgical celebrations bilang paghahanda para sa pagbabalik ng mga seremonya ng simbahan kasabay ng “new normal” dahil sa health crisis.