-- Advertisements --
Nakatakdang maglunsad ng rally ang religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) bilang pag-kontra sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa grupo na ang rally ay bilang pag-sang-ayon sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi ito pabor sa isinusulong ng ilang sektor na impeachment kay Duterte.
Mahalaga aniya na pagtuunan na lamang ng pansin ang maraming problema ng bansa.
Paglilinaw nila na ang kanilang grupo ay para sa kapayapaan at ayaw nila ng anumang kaguluhan.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi ito sang-ayon sa pagkakaroon ng impeachment laban kay Duterte dahil uubos lamang ito ng oras sa mga mambabatas na dapat ay ituuon sa mga pagresolba sa mga problema ng bansa.