-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Maliban sa paghingi ng mga IDs, asahan nang hindi magiging madali ang pagpasok sa isla ng Camiguin ngayong Summer Season at sa nalalapit na Holy Week.

Sinabi ni Philippine Coast Guard – Northern Mindanao spokesperson ensign Jherich An John Ybañez na nasa highest alert ang buong isla lalo na at unti-unti nang dumadagsa ang mga local at foriegn tourist upang bisitahin ang mga kilalang religious sa kanilang lugar.

Sa ngayon, ibinuhos ng PNP at AFP ang kanilang deployment ng tourist police kaagapay ang pagpatupad ng PCG nga kanilang Oplan Biyaheng Ligtas.

Base sa tala ng PCG, noong 2018 nasa mahigit 250mil ka tawo ang nagbakasyon sa Camiguin tuwing holyweek.