-- Advertisements --

Naibenta sa auction sa halagang $6.2 milyon ang relo na pag-aari ng huling emperor ng Qing Dynasty sa China.

Nabili ng isang taga-Hong Kong ang rare Patek Philippe Reference 96 Quantieme Lune timepiece na pag-aari ni emperor Aisin-Gioro Puyi.

Ang nasabing relo ay iniregalo ni Puyi sa kaniyang Russian interpreter noong ito ay makulong sa Soviet Union.

Nahigitan nito ang unang presyo na inaakala nilang mabibili ang relo sa halagang $3-M.

Sinabi ni Thomas Perazzi, ang namumuno sa auction house Phillips Asia na ito na ang pinakamahal na relo na naibenta na pag-aari ng isang emperor.

Taong 2017 ng naibenta sa halagan $2.9-M ang Patek Philippe na relo na pag-aari ni Ethiopian emperor Haile Selassie.