-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Naging apektado ng malawakang baha ang dalawang bayan sa lalawigan ng North Cotabato dahil sa ilang araw na sunod-sunod na pagbuhos ng malakas na ulan.

Ito ang kinumpirma ni Engr. Arnulfo Villaruz, chief for operations ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-North Cotabato sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Villaruz, kabilang sa mga binaha ay ang relocation site ng mga pamilyang nasira ang bahay dahil sa malakas na pagyanig ng lindol noong 2019 sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City.

Samantala, ang mga pamilyang nakatira naman sa gilid ng Liguasan Marsh sa mga barangay sa Pikit, North Cotabato ay binaha rin dahil sa pag-apaw ng tubig-baha sa ilog.

Hindi rin nakaligtas sab aha ang mga mosque at sementeryo sa nabanggit na bayan.

Kaugnay nito, agad naman na nagsagawa ng assessment and PDRRMO-North Cotabato sa mga apektadong lugar kung saan namigay na rin sila ng mga relief goods bilang paunang tulong sa mga apektadong pamilya.