-- Advertisements --

Binago na ng Department of Health (DOH) ang kanilang advisory sa publiko para maiwasan ang pagkakahawa ng mpox.

Ayon sa DOH na sa halip na iwasan ang pakikipagtalik, may option ang mag-partner na gawin ang pakikipagtalik sa pamamagitan ng ‘virtual’.

Hindi rin umano dapat na magkaroon ng hawakan at sa halip ay magkaroon na lamang ng “self pleasure” na malayo sa partner.

Paglilinaw pa ni Health spokesperson Albert Domingo na ang nasabing inilagay nila sa DOH handouts ay parehas din na ginagamit sa ibang bansa.

Magugunitang makailang ulit sinabi ng DOH na para maiwasan ang anumang pagkakahawa ng mpox ay iwasan ang pagkakadikitan ng katawan.