-- Advertisements --
Itinakda sa buwan ng Disyembre ang rematch sa pagitan nina undisputed heavyweight champion Oleksandr Usyk at Tyson Fury.
Ayon sa organizer na magaganap ang muling paghaharap ng dalawa sa Disyembre 21 sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ang Ukrainian boxer na si Usyk ay tinalo si Fury sa pamamagitan ng split desisyon noong unang linggo ng Mayo.
Dahil sa panalo ay naging unang undisputed WBA, WBC, IBF at WBO heavyweight champion mula ng matapos ang pamamayagpag ni Lennox Lewis noong Abril 2000.
Nakasaad kasi sa fight contract na dapat ay agad na pumayag si Usyk sa hiling na rematch ng British boxer na si Fury.
Tiwala naman ang promoter ni Fury na si Frank Warren na mababaligtad na ang sitwasyon kung saan magwawagi na ito ngayon.