-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nagsimula na ang training ni former eight division at legendary boxer Manny Pacquiao para sa muling pagsabak nito sa boxing na gagawin sa December 31, 2023.

Ayon kay coach Buboy fernandez na kailangan na paghandaan dahil isa itong malaking laban. Dagdag pa ni Buboy na matagal ng alay laban si Pacquiao kayat kailanngan itong paghandaan.

Ito na umano ang pagkakataon na hinihintay ng mga fans ang rematch laban kay Floyd Mayweather Jr.

Sinabi pa ng coach na six round exhibition fight ang laban nilang Pacquiao at Mayweather na gagawin sa Japan.

Kahit anim na round lamang ang laban posebli umanong may knock out na mangyari. Nagbigay naman ng mensahe ang coach na palaging makinig sa Bombo Radyo hanggang sa araw mismo ng laban .

Maliban nito niluluto din ang isa pang exhibition fight ni pacquiao laban sa sikat na Muay Thai at kidkboxing champion na si Buakaw Banchamek na gagawin naman sa buwan ng Enero susunod na taon.