-- Advertisements --

Hangad nang tinaguriang Hall of Fame trainer na si Freddie Roach na magkaroon ng rematch si Senator Manny Pacquiao sa dating Australian champion na si Jeff Horn bago tuluyang isabit ang kanyang mga boxing gloves.

Naniniwala si Roach na magandang pagkakataon ito upang ipaghiganti ng eight division world champion ang kanyang pagkatalo noong nakaraang taon at pagkatapos nito ay magretiro na.

Una nang sinabi ni Pacman na nais niyang magkaroon muli ng laban sa buwan ng Disyembre kung saan eksaktong 40-anyos na siya.

Para kay Roach, hindi magandang humarap si Pacquiao sa mas batang mga kampeon na sina Vasyl Lomachenko at Terence Crawford.

Napakadelikado umano ang mga ito at hindi maganda na magtapos ang boxing career ng Pinoy ring icon na talunan.

Kung maaalala sa huling knockout win ni Manny kontra sa Argentine boxer na si Lucas Matthysse, ay hindi naging coach si Roach.

Inamin naman ng American trainer sa reporter na si Carlos Narvaez na nagkausap na sila ng fighting senator upang batiin ang kanyang naging alaga sa loob ng 16 na taon sa nangyaring sensational win versus Matthysse na naganap sa Malaysia.