Kinumpirma ng gobyerno sa Taiwan na inaprubahan na nito ang gamot na remdesivir na gagamitin para sa mga pasyenteng may coronavirus disease.
Ayon sa Central Epidemic Command Centre ng bansa, nabatid umano ng Food and Drug Administration sa Taiwan ang pagiging epektibo at ligtas ng nasabing gamot gayundin ang pag-apruba ng ibang bansa rito.
Sisimulang gamitin ang remdesivir sa mga pasyenteng malubha na ang kalagayan.
Dahil sa mabilis na pagkilos ng Taiwanese government ay napagtagumpayan nito ang pakikipaglaban sa nakamamatay na virus.
Sisimulang gamitin ang remdesivir sa mga pasyenteng malubha na ang kalagayan.
Nakapagtala na ang Taiwan ng 442 COVID-19 cases, 7 ang namatay habang 421 katao naman ang gumaling.
Sa kasalukuyan ay wala pa ring gamot o bakuna laban sa COVID-19 ngunit ilang EU countries na ang gumagamit ng remsdesivir sa kanilang mga pasyente.