-- Advertisements --
Bumawi nitong nakalipas na buwan ng Pebrero ang overseas remittances matapos ang pagbagsak ng dalawang buwan.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mayroong 5.1 percent o katumbas ng $2.477 bilyon noong Pebrero ang itinaas ng cash remittances money transfers sa pamamagitan ng bangko.
Mas mataas ito noong Pebrero 2020 na mayroon lamang $2.358.
Mayroong 7.8% ang itinaas sa mga cash remittances ng mga land-based workers habang bumagsak sa 4.6% ang sea-based workers.
Naitala ang pagtaas ng remittances mula sa mga Pinoy na nagmula sa bansang US, Malaysia at Singapore.