-- Advertisements --

Tumaas ang cash remittance ng 12.7 percent mula sa mga overseas Filipinos noong Abril.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mula sa dating $2.046 noong Abril 2020 ay naging $2.305 billion ngayong taon sa parehas na buwan.

Mula Enero hanggang Abril ay umabot na sa $9.898 billion ang cash remittance.

Mas mataas din ito ng 4.8 percent sa parehas na period noong nakaraang taon.

Pumalo rin sa $2.574 billion ang personal remmittance noong Abril 2021 na mataas pa ng 13.1 percent kumpara sa $2.776 bilyon sa parehas na period noong nakaraang taon.