-- Advertisements --
Tumaas ng 5% ang remittances ng mga low at middle income countries ngayong 2022.
Ayon sa World Bank, na nasa $626 billion ang itinaas ng remittance kung saan kabilang ang Pilipinas na nag-contribute sa pagtaas ng remittances.
Inaasahan na rin ng World Bank na bababa ng 2% ang remittance sa susunod na taon.
Isa sa dahilan ng pagtaas ng remittance ay ang pagbubukas ng ekonomiya ng maraming bansa matapos ang dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang nasabing pagtaas ngayong 2022 ay mas mababa kumpara noong 2021 na nagtala ng 10.2% na pagtaas.