Binabantayan ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y remnants ng una nang nalansag na private armed group (PAG) sa Negros Oriental.
Ang naturang grupo, ayon sa PNP, ay posibleng babalik sa May 2025 midterm elections.
Pinaniniwalaan ng pulisya na hanggang anim na miyembro ng naturang grupo ang tumakas at nagtago sa iba’t-ibang bahagi ng probinsya matapos ang pagkakalansag ng kanilang grupo.
Ang mga ito ay iniimbestigahan dahil sa potensiyal na pagkaka-sangkot sa pamamaril noon kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa.
Sangkot din umano ang mga ito sa iba’t-ibang serye ng mga pamamaril sa naturang probinsya, kabilang na ang ilang election-related shooting incident.
Kasama ng PNP ang National Bureau of Investigation (NBI) na nagbabantay sa posibleng pagbabalik ng mga ito.
Sa kabila nito, iniulat ng local police na wala pang namomonitor na report ukol sa mga gun-for-hire individual na posibleng maglipana sa NegOr sa kasagsagan ng 2025 midterm elections.