Maaari pa ring makapaggsagawa ang mga huwis nxxg remote hearings ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Ito ang laman ng circular na inilabas ni Chief Justice Alexander Gesmundo na nag-aatas na ang mga huwis sa first at second level courts na magsagawa ng full remote videoconferencing hearing hanggang hindi pa tapos ang pandemiya.
Binubuo ng Metropolitan Trial Courts, Municipal Trial Courts, Municipal Trial Courts sa mga lungsod at Municipal Circuit Trial Courts ang first level courts habang ang second level courts naman ay binubuo ng Regional Trial Courts.
Sinabi naman ni Court Administrator Midas Marquez na pinagbigyan ng Chief Justice ang hiling ng mga judges at court personnel na magsagawa na remote hearing dahil sa nangangamba sila ng kanilang kalusugan.