-- Advertisements --

Minaliit lamang ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi umano alam ni Remulla ang kaniyang trabaho.

Ayon kay Remulla na sanay na siya na tumanggap ng anumang batikos at ito ay parte ng kaniyang trabaho.

Giniit na lamang ni Remulla na ang mga pahayag ng Bise Presidente ay lubhang nakakabahala at nakakabigla lalo na at naging Education Secretary pa ito na isang hindi magandang halimbawa sa mga mag-aaral.

Magugunitang inihayag ni Vice President Duterte na hindi umano alam ni Remulla ang trabaho nitong ng sabihin na pinag-aaralan nila ang maaaring kaso laban sa bise presidente dahil sa mga pahayag nito na paghukay sa bangkay ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at kaniya itong itatapon sa dagat.