-- Advertisements --

Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGU’s) sa bansa na mas paigtingin ang kanilang mga isinasagawang mga inspeksyon para tuluyan na matigil ang mga operasyon ng mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, dapat na husayan pa ng mga local chief executives ang kanilang trabaho at mas higpitan pa ang mga ikinakasang mga inspeksyon sa lahat ng mga building at imprastraktura sa kanilang mga lugar.

Mananagot din aniya ang mga personalidad na nagkasa ng inspeksyon sa mga buildings ngunit hindi nag-report tungkol sa kanilang mga operasyon.

Nauna na dito ay nagisyu na ng warning si Remulla sa mga otoridad na siyang nag-raid sa isang pasilidad sa Barangay Tambo sa Paranaque City noonbg Enero 8 na siyang tinuturong pugad din ng mga investment scams batay sa National Bureau of Investigation (NBI).

Samantala, isa din sa mga naging direktiba ni Remulla sa mga LGU’s na makipagugnayan sa Philippine National Police (PNP) para sa mga inspeksyon ng mga hidden POGO operating hubs.