Pagpapaliwanagin ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla si PNP Chief Gen. Rommel Marbil kaugnay ng pagdaan ng kanyang convoy sa EDSA busway kagabi.
Sinabi ni Remulla, na wala siyang ideya sa pagdaan ng convoy ni Marbil sa busway, kaya nakatakda niya itong kausapin at hingin ang paliwanag.
Inamin ni Remulla na bago ang insidente, ipinatawag niya sa isang pulong si Marbil kaugnay ng operasyon at paghahanap ng pulisya sa estudyanteng dinukot sa BGC, Taguig.
Nilinaw ng kalihim na hindi siya nagbigay ng direktiba kay Marbil na dumaan sa bus way.
Una nang idinahilan ni Marbil ang isang “emergency” kaya dumaan ang kanyang convoy sa busway.
Nanawagan si Remulla sa mga lokal na opisyal at pulisya na huwag dumaan sa busway.
Binigyang-diin ng kalihim na walang sasantuhin ang mga awtoridad maging ang PNP na posibleng maimbestigahan dahil sa pag-abuso sa kapangyarihan.