-- Advertisements --
image 359

Pinaplano ng Energy Regulatory Commission na gawing isa sa pangunahing sources ng 35% ng suplay ng kuryente mula sa renewable energy pagsapit ng taong 2030 at mahigit 40% naman sa taong 2040.

Para maabot ang nasabing target, sinabi ni Energy Regulatory Commission chair Monalisa Dimalante na tinaasan ng komisyon ang renewable portfolio standard (RPS) hanggang 2.52% mula sa 1%.

Ang renewable portfolio standard (RPS) ay inilarawan ng Philippine Electricity Market Corp bilang market-based policy na nagmamandato sa electricity suppliers para mag-suplay ng portion ng kanilang energy supply mula sa renewable energy resources upang makapag-ambag sa paglago ng renewable industry sa bansa.

Bagamat inihayag ni Dimalante na wala pang target sa ngayon ang bansa para sa 100% transition sa renewable energy.

Sa ngayon, nananatili pa rin ang coal o karbon sa main source ng enerhiya sa bansa na sinundan ng petroleum at renewable energy.