ROXAS CITY – Mananatiling maganda ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa kabila na ibinasura ni President Rodrigo Duterte ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Senator Christopher Lawrence ‘’Bong’’ Go, sinabi nitong daan na ito para sa renewal ng bagong matatag na relasyon ng dalawang bansa.
Wala ring nakikitang problema si Go sa naging desisyon ni President Duterte at naniniwalang may dahilan ito sa kanyang naging desisyon.
Samantala ayon kay Senator Go naging isyu lamang ang VFA dahil sa pakikialam ng iba.
Nauna rito personal na dinaluhan ni Senator Go ang blessing at launching ng Malasakit Center sa lalawigan ng Capiz, kung saan nagbigay ng P5 million na inisyal na pondo ang Office of the President para sa nasabing programa na nilikha para matulugan ang mga mahihirap.