-- Advertisements --

Itinanggi ni House Committee on Human Rights chairman Rep. Bienvenido Abante Jr ang akusasyon ni Vice President Sara Duterte na ang ginagawang paghihimay ng mambabatas sa hindi tamang paggamit ng confidential funds nito ay isang smear campaign laban sa kaniya.

Sinabi ng kongresista na wala siyang alam sa mga alegasyon ng Bise Presidente.

Sa katunayan aniya ay kaniya pa itong binoto noong nakaraang halalan.

Giit pa ni Abante na walang kinalaman ang 2028 election sa isinasagawa nilang pagdinig.

Magugunitang binatikos ng bise presidente ang ginagawang pagdinig ng House of Representatives sa paggastos nito ng confidential fund kung layon aniya nito ay para sirain ang kaniyang imahe para sa 2028 elections.