-- Advertisements --
Magpupulong ngayong hapon ang minorya sa Kamara para pumili ng kanilang magiging lider sa ilalim ng 18th Congress.
Sinabi ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. na magkakaroon sila ng botohan para maghalal ng minority.
Susundin aniya rito ang Fariñas doctrine kung saan pawang mga miyembro ng minorya ang mamimili ng tatayo nilang lider.
Sa naganap na halalan kahapon sa speakership, si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante na nakatunggali ng nanalo na si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ay nakakuha lamang ng 28 boto.
Sa ngayon, mayroon nang coalition ang iba’t ibang grupo na kinabibilangan ng Makabayan bloc, ilang miyembro ng Liberal Party at ilang mga taga party-list groups.
Ang kanilang nais na maupong minority leader ay si Abante.