Nagbitiw si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante bilang minority leader ilang sandali bago aprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang 2021 General Appropriations Bill (GAB).
Sa kanyang turno en contra, sinabi ni Abante na bibitawan na niya ang naturang posisyon para sumali sa mayorya para suportahan si Speaker Lord Allan Velasco at ang “pro-people” agenda nito.
Naniniwala aniya siya sa bagong liderato ng Kamara sa pagsusulong ng legislative agenda na hindi lamang pro-people kundi responsive rin sa pangangailangan sa pagbibigay ng epektibo at sapat na interventions para ma-control ang COVID-9 pandemic.
“And there is no better symbol of this trust than an expression of intent to join the Majority so I could be more proactive in providing urgently-needed legislation and Congressional oversight,” ani Abante.
Nagpasalamat naman si Abante sa mga miyembro ng minority bloc at sinabi na tiwala siyang “judiciously” na pipili ang mga ito ng kanilang susunod na lider.
Kasabay nito ay nagpapasalamat si Abante sa mga kasamahan niya sa Minorya.
“Marami po ang ating pinagdaanan, and I will always cherish the time we worked together,” saad ni Abante.
“Tulad ng lagi kong sinabi, magkaiba man ang partido natin, o ang paniniwala natin, o ang idolohiya natin, there are more things that unite us, there are more advocacies we share, and there will always be one thing that will always bind us together: our desire to serve our people,” dagdag pa nito.