Naniniwala si House Committee on Human Rights Chairman Rep. Benny Abante na hindi magiging patas si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa gagawing imbestigasyon ng Senado kaugnay sa drug war.
Binigyang diin din ni Rep. Abante na si Dela Rosa ang nagsilbing hepe ng Philippine National Police (PNP) noong termino ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Isa rin umano ito sa mga inaakusahang sangkot sa mga paglabag sa batas, kaya hindi magiging patas kung ang itinuturo ng testigo ay siya mismo ang sisiyasat sa usapin.
Posible ring maapektuhan ang testimonya ng mga resource person kung ang mismong isinusumbong nila ang siyang nagtatanong ukol sa detalye ng paglabag sa batas.
“I would think that he would be more biased than actually balance,” wika ni Abante.
Ayon naman kay Sen. Dela Rosa, malaki ang posibilidad na dumalo ang dating pangulo kapag sila ang nag-imbita dahil mas magiging komportable ito sa imbestigasyon ng kanyang komite.