-- Advertisements --
Pormal nang inihalal ng Minority bloc si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. bilang kanilang lider.
Isinagawa nila ang naturang halalan isang araw matapos na ihalal naman ng mayorya sa mga kongresista si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano bilang speaker.
Naging mabilis ang botohan at wala na ring pagtutol ang 28 kongresistang miyembro ng minorya.
Nauna nang bumuo ng coalition ang iba’t ibang grupo sa Kamara, kabilang na ang Makabayan bloc at ilang miyembro ng Liberal Party para suportahan si Abante bilang lider ng minorya sa 18th Congress.