-- Advertisements --

Muling tinalakay sa ikawalong quad-comm hearing ni Rep. Romeo Acop ang umano’y relasyon nina ex-PCSO GM Royina Garma at former President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Rep. Acop, base sa mga lumalabas na mga testamento ni Garma, kung paanong malapit sila ng dating pangulo at kung paanong siya ang tinawagan nang personal ay nangangahulugan lamang na siya ay malakas sa dating pangulo.

Dagdag pa ni Rep. Acop na iiwan niya na lamang sa imahinasyon ni Rep. Fernandez ang kasagutan sa kanyang tanong tungkol sa relasyon ni Garma at FPRRD, dahil kung ito ay tatanungin pa, baka umamin si Garma.

Matatandaan na ilang beses na ring napag-usapan ang posibleng relasyon ng dalawa sa mga quad-comm hearings dahil na rin sa mga salaysay na pagkamalapit nila sa isa’t isa.