Nilinaw ng isang mambabatas na kahit hindi bigyan ng subsidy ng gobyerno, marami umanong pondong magagamit ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para maipagpatuloy ang benepisyong ibinibigay nito sa mga miyembro taliwas sa ipinakakalat sa social media.
Sinabi ni Adiong, fake news ang kumakalat na ‘bawal daw magkasakit next year’ dahil walang pondo ang PhilHealth.
Ayon kay Adiong nasa P504 bilyon ang investible funds ng PhilHealth.
Bukod pa rito, sinabi ni Adiong na iniulat ng PhilHealth na mayroon itong P183 bilyong sobrang reserve funds bukod pa sa P42 bilyon na hindi nagamit sa dalawang inilabas na Special Allotment Release Orders (SARO).
Ayon kay Adiong nasa P140 bilyon lamang kada taon ang kailangan ng PhilHealth para sa benepisyo ng mga miyembro.
Dahil sa dami ng pondo, hindi naglaan ng subsidiya ang Kongreso sa PhilHealth para sa mga indirect contributor sa 2025.
Nanawagan si Adiong sa publiko na huwag magpaloko sa mga walang basehang alegasyon.
“Wag po tayong magpabudol. PhilHealth’s substantial reserves and ongoing benefit enhancements ensure that Filipinos will continue to receive the healthcare support they need in the coming years,” pahayag ni Adiong.