-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Iprinoklama na ng Provincial Board of Canvassers (PBOC) ang mga nahalal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan at mga kongresista ng anim na distrito ng Isabela.

Unang iprinoklama si incumbent Rep. Rodito Albano bilang bagong gobernador ng Isabela.

Si incumbent Gov. Faustino “Bojie” Dy III naman ang naproklamang nanalong bise gobernador.

Tinalo niya si dating lady governor at dating Comelec Commissioner Grace Padaca.

Sa mga nanalong kongresista ng anim na distrito ng Isabela ay nahalal si incumbent Vice Governor Antonio “Tonypet” Albano sa 1st district.

Sa 2nd district ay si incumbent Board Member Ed Christopher Go habang sa 3rd district ay si incumbent Mayor Ian Paul Dy ng Alicia.

Sa 4th district ay si Atty. Sheena Tan habang sa 5th district ay si Faustino Michael Carlos Dy at sa 6th district ay si Liga ng mga Barangay National President Faustino “Inno” Dy IV.

Sa pagka-board member ng 1st district ay nanalo sina Emmanuel Joselito Añes at Delfinito Emmanuel Albano.

Sa 2nd district ay sina Ed Christian Go at Edgar Capuchino habang sa 3rd district ay sina Atty. Randolp Joseph Ariola at Ramon Juan Reyes Jr.

Sa 4th district ay sina Clifford Raspado at Abegail Sable habang sa 5th district ay sina Faustino Dy IV at Edward Isidro at sa 6th district ay sina Alfredo Alili at Marco Paulo Meris.