Pinatawan ng 60-araw na suspension si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves dahil sa hindi pagliban sa session ng House of Representatives.
Umabot sa 292 na mga mambabatas ang bumuto na pumabor sa ulat ng House committee on ethics and previleges dahil sa hindi nito pagpasok kahit natapos na ang kaniyang authority to travel ng hanggang Marso 9.
Wala namang komontra sa nasabing botohan.
Ang nasabing Committee Report 472 ay isinumite sa House committee on rules nitong Martes ng hapon.
Ayon kay House committee on ethics and privileges chair and COOP-NATCCO Party-list Rep. Felimon Espares na ang hindi pag-uwi ni Teves at hindi pagdalo sa duties nito sa House of Representatives ay nakakaapekto ng dignidad, integridad at reputasyo ng Kamara.
Dahil sa suspensyon ay may karapatan ang House of Representatives na magtalaga ng caretaker sa kaniyang distrito.