Pormal ng nanumpa ngayong araw bilang bagong senior deputy speaker ng House of Representatives si Pampanga 3rd District Rep. Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr.
Sa regular session ng Kamara kaninang hapon, sabay na dumating sa plenaryo si House Speaker Martin Romualdez at Gonzales na agad namang lumapit ang dalawa kay Pampanga 2nd district representative at Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Sa paglapit ni Speaker Romualdez at Rep. Gonzalez nag mano ang dalawa kay Congresswoman Arroyo.
Kung maalalala na nuong nakaraang Miyerkules, May 17 ay nagpatupad ng balasahan sa liderato ng Kamara kung saan nagpalit ng posisyon si Gonzales at Arroyo.
Ito ay dahil sa umano’y planong coup-de-tat laban kay Speaker Romualdez.
Mariin naman itong itinanggi ng dating Pangulo.
Bukod sa pamilya ni Gonzales, umakyat din sa rostrum para sumaksi sa kaniyang panunumpa si Cong. Arroyo.
Batay sa ulat nagpulong ang LAKAS-CMD at PDP-Laban congressmen upang lumagda sa isang alyansa sa pagitan ng dalawang.
Karamihan sa mga political parties sa Kamara ay una ng nagpahayag ng suporta kay Speaker Romualdez.