Nagpaabot ng pagbati si Cavite Representative sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.matapos makakuha muli ang mga top ranking officials ng gobyerno kabilang si House Speaker Martin Romualdez ng mataas na trust at performance rating.
Sinabi ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga, sa bawat survey na lumalabas, ipinapakita nito ang magandang pagtanggap ng publiko sa pamumuno ng Pangulong Marcos Jr.
Ipinunto ni Barzaga kapag consistent na mataas ang rating ng mga opisyal, ibig sabihin ginagawa nito ng maayos ang kaniyang trabaho.
Batay sa isinagawang Tugon ng Masa survey ng OCTA research, nakakuha ng 83% trust rating si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., 87% kay VP Sara Duterte, 55% kay House Speaker Martin Romualdez, 50% kay Senate President Migz Zubiri at 39% para kay Chief Justice Alexander Gesmundo.
Pagdating naman sa performance rating, nakakuha ang Pangulong Marcos Jr. ng 80%, 84% para kay VP Sara, 59% kay Romualdez, 53% kay Zubiri at 41% kay Gesmundo.
Nilinaw naman ni Barzaga na hindi sila nagtatrabaho para sa mataas na ratings sa survey, ngunit ang mga numerong ito ay nagsisilbi aniyang inspirasyon para sa kanila na ipagpatuloy ang maayos na paglilingkod sa bayan.