LEGAZPI CITY – Plano ni Alliance of Concerned Teahers Partylist Rep. France Castro na i-apela ang naging desisyon ng korte na nagbabasura sa isinampang kasong Grave Threat laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Castro, hinihintay na lamang sa ngayon ng kanilang panig ang kopya ng desisyon ng Office of the City Prosecutors ng Quezon City para sa nasabing reklamo.
Subalit nag-uusap na umano ang kanyang mga abogado para sa mga susunod na gagawing hakbang kagaya ng posibleng pagsasampa ng motion to appeal.
Nanindigan naman si Castro na hindi aatras at ipaglalaban ang reklamo laban sa dating presidente.
Maalalang isinampo ni Castro ang reklamo matapos na sabihin ni Duterte na dapat umanong unahin si Castro na paggamitan ng confidential fund.
Nauna na rin na lumabas sa pagdinig ng korte na walang sapat na basehan ang isinampang reklamo ng mambabatas laban sa dating pangulo.