Umapela ng tulong sa pamahalaan si Abra Representative Ching Bernos sa gobyerno matapos na lubhang naapektuhan ng 7.3 magnitude na lindol ang probinsiya ng Abra kung saan isa ang nasawi habang 47 ang sugatan.
Sa kaniyang priviledge speech ni Rep Bernos sa regular session dito sa Kamara kaniyang sinabi na hanggang sa ngayon nasa state of shocked pa rin ang kaniyang mga kababayan dahil sa lakas ng lindol na kanilang naranasan.
Sinabi ni Bernos na anim na municipalities ang apektado ng malakas na lindol na tinaguriang major earthquake ng Phivocs.
Ayon sa mambabatas batay sa report na kaniyang nakuha mula sa Abra Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO).
Sinabi ni Bernos na nakararanas pa rin ng aftershocks sa Abra na umabot na raw sa higit 20, at may pangamba na maulit ang malakas na lindol.
Unstable pa rin ang linya ng komunikasyon, apektado rin ang kuryente, at may mga stranded dahil sa mga nasirang kalsada at tulay.
May mga bahay na nasira gaya ng nabasag ng mga salamin ng bintana, gayundin ang ilang school buildings ay nasira ilang linggo bago ang pagbabalik ng face-to-face classes; at hindi rin nakaligtas ang health centers at mga ospital, at inilikas ang ilang mga pasyente para sa kanilang kaligtasan.
Apela ni Bernos kay Pang. Marcos, kailangan ng kanilang mga kababayan sa Abra ang mga available assistance, para kanilang pagbangon mula sa matinding epekto ng lindol.
Panawagan ni Bernos kay Pang. Marcos na i-mobilize ang mga ahensya gaya ng NDRRMC, DSWD, DEPED, DOH, DPWH, PNP, AFP at DOTr.
Tiwala naman si Bernos na si Pang Marcos bilang ama ng bayan hay hindi sila pababayan.